|
|
|
|
![]() |
|
|||||||||||||||||
|
|
|
|||||||||||||||||
|
|
|
|
|
|||||||||||||||
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
||||||||
|
|
|
|
|
|||||||||||||||
|
|
|
|
|
|
|
|||||||||||||
|
|
|
|||||||||||||||||
|
|
    English     Filipino     Cebuano |
|
No'ng una tayong magkakilala May naramdaman akong sadyang kakaiba 'Di ko alam kung paano'ng nangyari Pero para bang ako sayo'y talagang nabighani Tuwing ikaw ang sya kung kinakausap Pakiramdam ko'y para akong lumulutang sa ulap Sa aking pandinig tila kasi ang boses mo Isang awiting nagpapalambot sa abang puso ko Ikaw rin palagi ang nasa aking alaala Ang 'yong 'di maikukubling tikas sa tindig at porma Kaya nama'y 'di na ako makatulog kung minsan Dahil gabi-gabi ikaw lamang ang laman ng isipan Sa iskul nama'y 'di makapagkonsentreyt sa klase Dahil ikaw ang pinapantasya parati Pagdating sa bahay ay gayundin Ikaw ang iniisip kaya't nawawala ang gana't 'di makakain Ewan ko ba kung bakit ganito Ang nangyayari sa akin nang dahil sayo Nakalilito mang isipin ngunit totoo Ako yata'y napaibig sa isang katulad mo Mahal Pa Rin Kita Ako sayo'y nagtataka Kung anong katangian meron ka Kung bakit hanggang ngayon Puso ko sayo'y nagugumon Ilang ulit mo na akong sinaktan At iniwanan nang walang pag-aalinlangan Ngunit kahit ano man ang iyong gawin Hindi pa rin nagbabago ang aking damdamin Sinubukan ko ang humanap ng iba Baka sakaling makalimutan na kita Subalit ikaw pa rin ang nasa aking alaala At sa puso ko'y nananatili ka pa ring nag -iisa Hanggang ngayon ikaw lamang ang sinisigaw ng kalooban At 'yan ang hubad na katotohanan Sa puso ko'y wala pa ring iba Aaminin ko, mahal na mahal pa rin kita Naunsyaming Pag-ibig Umiiyak at nasasaktan Ang puso kong sawi 'Di matanto sa aking isipan Ang kaitiman ng iyong budhi Parang aliping inalipusta Ang aking nadarama At anaki'y wala nang remedyo upang pawiin Ang kirot ng damdamin Ibig kong ibulalas at isigaw Saka isiwalat sa mundong ibabaw Ang kaapihang dinanas ko Dahil sa pag-ibig ko sayo Bakit ikaw ay ganyan 'Di mo ako magawang maintindihan Na simula't sapul ikaw lang ang mahal ko Mahirap bang maintindihan ito? Ngayon ako ay iyong iniwanan Ng nakaraang puno ng sakit na 'di ko makakalimutan At dahil dito'y isinusumpa ko Hinding-hindi na ako iibig sa mga lalaking tulad mo |
|
                       Rachelle Arlin Credo |
|
||||||||||||
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
bravenet.com